Ang Iglesia ng Dios

Paano ba maligtas
Pakibasa at alamin ang mga sumusunod:

1.Ang buhay, gaano man ito katagal, ay napakaikli lamang.

2.Mayroong LANGIT na dapat nating nasaing makamit at mayroon din IMPYERNO na dapat nating iwasan.

3.Hindi magtatagal at ikaw ay naroon na sa walang hanggan.

4.Iyong gugugulin ang walang hanggan sa langit sa kalagayang di mailarawang kaluwalhatian o di kaya’y sa impyerno na kung saan naroon ang pagluha at pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin sa matinding paghihirap.

Nawa’y gisingin ka ng Dios sa katotohanan na bilang isang makasalanan ikaw ay hindi maliligaw, kundi IKAW AY NALIGAW NA.

Kung iyong nakikilala ang ganitong katunayan, maaari kang kumuha ng lakas ng loob sa sinabi ni Hesus: “Sapagka’t ang Anak ng tao ay naparito upang ILIGTAS ang nawala.” Mateo 18:11.

ANG KANYANG PANGALAN ANG NAGPAPAHAYAG NG KATUNAYAN

“At siya’y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya’y JESUS; sapagka’t ILIGTAS niya ang kaniyang bayan SA KANILANG MGA KASALANAN.” Mateo 1:21

UPANG MALIGTAS KAILANGAN NG PAGSISISI

“MANGAGSISI KAYO; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit.” Mateo 3.2

“… mangagsisi, ay mangamamatay kayong lahat sa gayon ding paraan.” Lucas 13:3

“Ang mga panahon ng kahangalan ay pinalipas na nga ng Dios; datapuwa’t ngayo’y ipinaguutos niya sa mga tao na mangagsisi silang lahat sa lahat ng dako” Gawa 17:30

ANG TUNAY NA PAGSISISI AY MAY KAPAHAYAGAN SA KANYANG MGA BUNGA

“Kayo nga’y mangagbunga ng karapatdapat sa pagsisisi” Mateo 3:8

1. Malalim na Kalumbayan sa Kasalanan

“Sapagka’t ang kalumbayang mula sa Dios, ay gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas, na hindi ikalulungkot…” 2 Corinto 7:10

“Sapagka’t aking ipahahayag ang aking kasamaan; aking ikamamanglaw ang aking kasalanan” Awit 38:18

2. Bagbag at Mapagsising Espiritu

“Ang Panginoon ay malapit sa kanila na may bagbag na puso, at inililigtas ang mga may pagsisising diwa.” Awit 34:18

“Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob: isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan.” Awit 51:17

“Sapagka’t ganito ang sabi ng Mataas at Matayog na tumatahan sa walang hanggan, na ang pangalan ay Banal; Ako’y tumatahan sa mataas at banal na dako na kasama rin niya na may PAGSISISI AT PAGPAPAKUMBABANG-LOOB, upang bumuhay ng loob ng nagpapakumbaba, at upang bumuhay ng puso ng nagsisisi.” Isaias 57:15

3. Kapahayagan

Kalakip ang nagsisising espiritu, ipahayag ninyo ang inyong mga kasalanan.

“Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.” 1 Juan 1:9

“At sila’y kaniyang binabautismuhan sa ilog ng Jordan, na ipinahahayag nila ang kanilang mga kasalanan.” Mateo 3:6

4. Pagtalikod Pag-iwan sa Lahat ng Kasalanan

Hindi lamang sapat na magsisi at magpahayag kundi kailangang IWANAN ang kasalanan.

“Lisanin ng masama ang kaniyang lakad, at ng liko ang kaniyang mga pagiisip; at manumbalik siya sa Panginoon, at kaaawaan niya siya; at sa aming Dios, sapagka’t siya’y magpapatawad ng sagana.” Isaias 55:7

“Siyang nagtatakip ng kaniyang mga pagsalangsang ay hindi giginhawa: nguni’t ang nagpapahayag at nagiiwan ng mga yaon ay magtatamo ng kaawaan.” Kawikaan 28:13

“Kaya nga sinoman sa inyo na hindi tumanggi sa lahat niyang tinatangkilik, ay di maaaring maging alagad ko.” Lucas 14:33

“…humayo ka ng iyong lakad; mula ngayo’y huwag ka nang magkasala.” Juan 8:11

5. Isang Mapagpatawad na Espiritu

Kailangang patawarin natin ang mga nakagawa ng pagkakasala sa atin, at kung hindi, ay hindi rin tayo patatawarin ng Dios.

“At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin. … Sapagka’t kung ipatawad ninyo sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay patatawarin naman kayo ng inyong Ama sa kalangitan. Datapuwa’t kung hindi ninyo ipatawad sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay hindi rin naman kayo patatawarin ng inyong Ama ng inyong mga kasalanan.” Mateo 6:12, 14-15

“At kailan man kayo’y nangakatayong nagsisipanalangin, mangagpatawad kayo, kung mayroon kayong anomang laban sa kanino man; upang ang inyong Ama naman na nasa langit ay patawarin kayo ng inyong mga kasalanan.” Marcos 11:25

“Gayon din naman ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa kalangitan, kung hindi ninyo patatawarin sa inyong mga puso, ng bawa’t isa ang kaniyang kapatid.” Mateo 18:35

6. Pagsasauli / Pagpapanumbalik

Lahat ng mga bagay na ninakaw o kinuha sa pamamagitan ng pandaraya ay kailangang maibalik, maaaring ito’y katumbas ng salapi, at ibigay sa may-ari.

“…at kung sakali’t nakasingil akong may daya sa kanino mang tao, ay isinasauli ko ng makaapat.” Lucas 19:8

7. Pananampalataya

Kapag ibinigay mo ang iyong puso sa Dios sa pamamagitan ng panalangin, gawin mo ang huling hakbang at iyong makikita na ang pasan mong bigat ng kasalanan ay mawawala. Ang iyong puso ay magkakaroon ng lubos na kapayapaan at kagalakan.

“…Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka…” Gawa 16:31

“At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring maging kalugodlugod sa kaniya; sapagka’t ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios, at siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa kaniya’y nagsisihanap.” Hebreo 11:6

“…at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang ating pananampalataya.” 1 Juan 5:4

Hindi mahirap na sanayin ang pananampalataya upang maligtas kung ang mga bagay na ito ay pinaniniwalaan at ginagawa.

“…ang Panginoon … hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi.” 2Petro 3:9

Sinabi ni Jesus, “…ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy.” Juan 6:37

William Beirnes

Isang Kaibigan ng Sanlibutan?
Bakit kaya marami ngayon sa mga nag-aangking sila’y Kristiyano ay nangag-iingat na lumakad sa paligid ng katotohanan sa pagsisikap na matiyak na hindi nila masasaktan ang damdamin ng sanlibutan? Kailan pa nagsimula na ang kaaway ng Dios ay magbigay-halaga sa ganitong mapagkandiling pag-aalala? At paanong ang Katotohanan ay itinuring na may gayong kawalan ng dangal at kahihiyan sa pamamagitan nila na nag-aangking niyayakap ito! Para bang niyayakap nila ito sa abot ng kanilang mga bisig na baka sakaling isipin ng sanlibutan na masyadong maalab ang paggiliw nila dito.

Kahiya-hiyang mga duwag, ang kabuuan ng maraming nangag-aangkin! Ni hindi nila alam ang kaluwalhatian ng krus ni ang mga kabulukan na nasa sanlibutan. Hindi nila kilala ang Kristo na kanilang inaangkin, ni ang kapangyarihan ng Kanyang dakilang kaligtasan o ang sanlibutan ay mapapako sa kanila—isang basahan na itatapon sa likod nila ng may panghahamak.

Isang Kristiyano, isang kaibigan ng sanlibutan? Hindi ito maari, sapagkat tunay na ang pakikipagkaibigan sa sanlibutan ay pakikipagaway sa Dios (San. 4:4). Lumakad sa pintig nito? Sumulyap sa mga mga ngiti nito? Magbihis para sa pagsang-ayon nito? Hindi ang Kristiyano! Iwan ito sa may mga salawahang-isip na humihinto sa pagitan ng dalawang opinyon at nahihiyang lumakad na kasama ni Kristo. Ang Kristiyano ay walang ganito.

Ang ilan ay nagsasabing ang mga panahon ay nagbago na at ang mga Kristiyano ay dapat gumamit ng iba’t ibang mga paraan upang makuha ang kalooban ng sanlibutan kaysa noong nakalipas. Malaking kasinungalingan ni Satanas! Huwag ito paniwalaan! Ang ganitong karunungan ay makalupa at makadyablo (San. 3:15)—isang dahilan upang lalo pang mabuhay sa laman at makaiwas sa pagsaway ng krus. Ang pangangaral ng krus at paghiwalay mula sa sanlibutan ay ang lumalaging paraan ng pagliligtas sa mga naliligaw at pagpapanaog ng kaluwalhatian. Anomang mas kulang ay makapagpapalaganap lang sa mapangwasak na sari-saring uri ng mga relihiyoso na hindi kaylanman nakawala sa pag-ibig nila sa sanlibutan, samakatwid ay sa kanilang pagpanig para dito.

Salamat sa Dios na Siya ay mayroon pa ring mga hindi makasanlibutan, hindi natitinag, mga natitirang banal na umiibig sa makipot na daan at sila’y masayang humiyaw na nakatakas sila sa kabulukan ng sanlibutan sa mga pita nito. Salamat sa Diyos sa pakikisama ng mga hindi nahihiya!

Ni: S. Mutch

Nagkakasala ba ang mga Cristiano?
Hayaang mangusap ang mga BANAL NA KASULATAN

Si Jesucristo ay isang makapangyarihang Manliligtas at ang Kaniyang ebanghelyo ay kapwa maluwalhati at makapangyarihan. Ang kaluluwang tunay na nagsisi ay makakatamo ng kaligtasan ng di lamang ng kapatawaran kundi din ng kalayaan mula sa lahat ng kasalanan. Oo, ang isang Cristiano ay namumuhay na malaya mula sa paggawa ng kasalanan!

Nakakalungkot na isipin, na karamihan sa mga kumakalat na ebanghelyo ngayon ay hindi isang tunay na ebanghelyo kailanman. Pinananatili lamang nito ang mga tao sa kanilang mga kasalanan, at pinaniniwalaan nilang sila’y hindi makakalaya mula sa mga ito hanggang sa matapos silang mamatay. Ito’y isang“ huwad na ebanghelyo“ at “ huwad na Jesus“ at ito ay taliwas sa kaligtasang naaayon sa kasulatan. Ang sinomang taong nangangaral na ang isang taong nagkakasala ay maaari paring maging Cristiano ay hindi sa Dios. Ang mga ito’y may anyo ng kabanalan datapuwat tinanggihan ang kapangyarihan nito: sa mga ito’y mangagsilayo kayo!

“Mga minamahal, suriin ninyo ang inyong karanasan sa liwanag ng mga banal na kasulatan ukol sa napakahalagang usaping ito. Ang iyong walang hanggang kapalaran ay nakasalalay dito.“

“ Ang gumagawa ng kasalanan ay sa diablo … sa bagay na ito’y inihayag ang Anak ng Dios upang iwasak ang mga gawa ng diablo. Ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala … dito nahahayag ang mga anak ng Dios at ang anak ng diablo…“ (1 Juan 3:8-10).

1)     Ang layunin sa pagparito ni Jesus ay upang tubusin tayo sa lahat ng kasamaan

Mat. 1:21“ At siya’y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya’y JESUS; sapagka’t ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan.“

Lucas 1:68-75 “Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel; Sapagka’t kaniyang dinalaw at tinubos ang kaniyang bayan … Na ipagkaloob sa atin na yamang nangaligtas sa kamay ng ating mga kaaway, Ay paglingkuran natin siya ng walang takot, Sa kabanalan at katuwiran sa harapan niya, lahat ng ating mga araw.“

Tito 2:14 “Na siyang nagbigay ng kaniyang sarili dahil sa atin, upang tayo’y matubos niya sa lahat ng mga kasamaan, at malinis niya sa kaniyang sarili ang bayang masikap sa mabubuting gawa …“

1 Juan 3:8 “Ang gumagawa ng kasalanan ay sa diablo; sapagka’t buhat pa nang pasimula ay nagkakasala ang diablo. Sa bagay na ito’y nahayag ang Anak ng Dios, upang iwasak ang mga gawa ng diablo.“

2)    Ang naligtas mula sa kanilang  mga kasalanan ay hindi na kailangan pang magpatuloy na magkasala at magsisi

Lucas 15:7 “Sinasabi ko sa inyo, na gayon din magkakatuwa sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi, kay sa siyam na pu’t siyam na taong matutuwid na di nangagkakailangang magsipagsisi.“

Juan 5:14 “… Narito, ikaw ay gumaling na: huwag ka nang magkasala, baka mangyari pa sa iyo ang lalong masama.“

Roma 6:1-2 “ Ano nga ang ating sasabihin? Magpapatuloy baga tayo sa pagkakasala upang ang biyaya ay makapanagana? Huwag nawang mangyari …“

3)    Ang anak ng Dios ay may kakayahang mapaglabanan ang tukso

1 Cor. 10:13 „Hindi dumating sa inyo ang anomang tukso kundi yaong matitiis ng tao: datapuwa’t tapat ang Dios, na hindi niya itutulot na kayo’y tuksuhin ng higit sa inyong makakaya; kundi kalakip din ng tukso ay gagawin naman ang paraan ng pagilag, upang ito’y inyong matiis.“

2 Ped. 2:9 „Ang Panginoon ay marunong magligtas ng mga banal, sa tukso …“

4)    Matapos malininsan ng dugo ni Jesus, tayo’y maaring manatiling malinis

Roma 6:6-7 “Na nalalaman natin, na ang ating datihang pagkatao ay kalakip niyang napako sa krus, upang ang katawang salarin ay magiba, at nang sa gayo’y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan; Sapagka’t ang namatay ay ligtas na sa kasalanan.“

Gal. 5:24 “At ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang mga masasamang pita at mga kahalayan nito.“

Col. 1:22 “Gayon ma’y pinakipagkasundo niya ngayon sa katawan ng kaniyang laman, sa pamamagitan ng kamatayan, upang kayo’y iharap na mga banal at walang dungis at walang kapintasan sa harapan niya.“

Sant. 1:27 “Ang dalisay na relihion at walang dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay ito, dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan.“

1 Juan 5:18 “Nalalaman natin na ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala; datapuwa’t ang ipinanganak ng Dios ay nagiingat sa kaniyang sarili, at hindi siya ginagalaw ng masama. Nalalaman natin na tayo’y sa Dios at ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama.“

Judas 24 “Ngayon doon sa makapagiingat sa inyo mula sa pagkatisod, at sa inyo’y makapaghaharap na walang kapintasan na may malaking galak, sa harapan ng kaniyang kaluwalhatian.“

5)    Ang biyaya ay hindi magtatakip ng kasalanan, kundi magbibigay ng kapangyarihan upang  mapagtagumpayan ang kasalanan.

Roma 6:1-2 “Ano nga ang ating sasabihin? Magpapatuloy baga tayo sa pagkakasala upang ang biyaya ay makapanagana? Huwag nawang mangyari. Tayong mga patay na sa pagkakasala, paano nga tayong mabubuhay pa riyan?“

Roma 6:15 “Ano nga? mangagkakasala baga tayo, dahil sa tayo’y wala sa ilalim ng kautusan, kundi sa ilalim ng biyaya? Huwag nawang mangyari.“

Tito 2:11-12 “Sapagka’t napakita ang biyaya ng Dios, na may dalang kaligtasan sa lahat ng mga tao, Na nagtuturo sa atin, upang, pagtanggi natin sa kalikuan at sa mga kahalayan ng sanglibutan, ay marapat mabuhay tayong may pagpipigil at matuwid at banal sa panahong kasalukuyan ng sanglibutang ito.“

Judas 4 “Sapagka’t may ilang taong nagsipasok ng lihim, yaong mga itinalaga nang una pa sa kahatulang ito, mga di banal, na pinalitan ng kalibugan ang biyaya ng ating Dios …“

6)    Ang sinumang nagkakasala ay alipin ng kasalanan, hindi alipin ng Dios

Juan 8:34,36 “Sinagot sila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan … Kung palayain nga kayo ng Anak, kayo’y magiging tunay na laya.“

Roma 6:16-22 “Hindi baga ninyo nalalaman, na kung kanino ninyo inihahandog ang inyong mga sarili na pinaka alipin upang tumalima ay kayo’y mga alipin niyaong inyong tinatalima; maging ng kasalanan sa ikamamatay, maging ng pagtalima sa ikapagiging matuwid? Datapuwa’t salamat sa Dios, na, bagama’t kayo’y naging mga alipin ng kasalanan, kayo’y naging mga matalimahin sa puso doon sa uri ng aral na pinagbigyan sa inyo; … sapagka’t kung paanong inyong inihandog ang inyong mga sangkap ng katawan na pinaka alipin ng karumihan at ng lalo’t lalong kasamaan, gayon din ihandog ninyo ngayon ang inyong mga sangkap na pinaka alipin ng katuwiran sa ikababanal. Sapagka’t nang kayo ay mga alipin ng kasalanan, kayo’y laya tungkol sa katuwiran … Ang wakas ng mga bagay na yaon ay kamatayan. Datapuwa’t ngayong mga laya na kayo sa kasalanan at naging mga alipin ng Dios, kayo ay mayroong inyong bunga sa ikababanal, at ang wakas ay ang buhay na walang hanggan.“

7)     Ang mga nagkakasala ay patay ispiritual

Roma 6:13 “… kundi ihandog ninyo ang inyong sarili sa Dios, na tulad sa nangabuhay sa mga patay …“

Roma 7:5 “Sapagka’t nang tayo’y nangasa laman, ang mga pitang salarin … ay nagsigawa sa ating mga sangkap upang magsipagbunga sa kamatayan.“

Roma 8:6 “Sapagka’t ang kaisipan ng laman ay kamatayan; datapuwa’t ang kaisipan ng Espiritu ay buhay at kapayapaan.“

Efe 2:1 “At kayo’y binuhay niya, nang kayo’y mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan.“

Col. 2:13 “At nang kayo’y mga patay dahil sa inyong mga kasalanan …“

1 Tim 5:6 “Datapuwa’t ang nangagpapakabuyo sa mga kalayawan, bagama’t buhay ay patay.“

8)    Ang tunay na mga Cristiano ay patay sa kasalanan

Roma 6:2 “Huwag nawang mangyari. Tayong mga patay na sa pagkakasala, paano nga tayong mabubuhay pa riyan?“

Roma 6:6-7 “Na nalalaman natin, na ang ating datihang pagkatao ay kalakip niyang napako sa krus, upang ang katawang salarin ay magiba, at nang sa gayo’y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan; Sapagka’t ang namatay ay ligtas na sa kasalanan.“

Roma 6:11 “Gayon din naman kayo, ibilang ninyong kayo’y tunay na mga patay na sa kasalanan, nguni’t mga buhay sa Dios kay Cristo Jesus.“

Gal. 5:24“At ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang mga masasamang pita at mga kahalayan nito.“

9)    Ang  poot ng Dios ay sumasa mga nangagkakasala

Roma 1:18 “Sapagka’t ang poot ng Dios ay nahahayag mula sa langit laban sa lahat na kasamaan at kalikuan ng mga tao, na mga sinasawata ang katotohanan ng kalikuan.“

Roma 2:8-9 “Datapuwa’t ang sa mga palaaway, at mga hindi nagsisitalima sa katotohanan, kundi bagkus nagsisisunod sa kalikuan, ay ang kagalitan at kapootan, Kapighatian at kahapisan, ang sa bawa’t kaluluwa ng tao na gumagawa ng masama …“

Col. 3:5-6 “Patayin nga ninyo ang inyong mga sangkap ng katawang nangasa ibabaw ng lupa, pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang nasa, at kasakiman, na iya’y pagsamba sa mga diosdiosan; Na dahil sa mga bagay na iyan ay dumarating ang kagalitan ng Dios sa mga anak ng pagsuway“

Efe. 2:2-3 “Na inyong nilakaran noong una ayon sa lakad ng sanglibutang ito, ayon sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway; Sa gitna ng mga yaon, tayo rin naman, ng ibang panahon ay nangabubuhay sa mga kahalayan ng ating laman, na ating ginagawa ang mga pita ng laman at ng pagiisip, at tayo noo’y katutubong mga anak ng kagalitan, gaya naman ng mga iba“

Heb. 10:26-27 “Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy …“

10)Ang mga nagsisipagsabing sila’y ligtas ngunit di namumuhay ng banal ay         magugulat sa paghuhukom

Mat. 7:22-23 “Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.

11)  Ang mga nangagkakasala ay walang bahagi sa kaharian ng Dios

Roma 14:17 “Sapagka’t ang kaharian ng Dios ay hindi ang pagkain at paginom, kundi ang katuwiran at ang kapayapaan at ang kagalakan sa Espiritu Santo.“

1 Cor. 6:9 „O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios? …“

Gal. 5:21 “… tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.“

Efe 5:5 “Sapagka’t talastas ninyong lubos, na sinomang mapakiapid, o mahalay, o masakim, na isang mapagsamba sa mga diosdiosan, ay walang anomang mamanahin sa kaharian ni Cristo at ng Dios.“

12) Ang mga nagsisibalik sa kasalanan ay mawawala ang kanilang kaligtasan

Ezek. 33:12-13 “… Ang katuwiran ng matuwid ay hindi makapagliligtas sa kaniya sa kaarawan ng kaniyang pagsalangsang … ni ikabubuhay man ng matuwid ang kaniyang katuwiran sa araw na siya’y magkasala … kung siya’y tumiwala sa kaniyang katuwiran, at gumawa ng kasamaan, anoman sa kaniyang mga matuwid na gawa ay hindi aalalahanin; kundi sa kaniyang kasamaan na kaniyang nagawa doon siya mamamatay.“

Gal. 2:17-18 “Nguni’t kung, samantalang ating pinagsisikapan na tayo’y ariing-ganap kay Cristo, ay tayo rin naman ay nangasusumpungang mga makasalanan, si Cristo baga ay ministro ng kasalanan? Huwag nawang mangyari. Kung akin ngang muling itayo ang mga bagay na aking sinira, sa aking sarili ay pinatutunayan ko na ako’y suwail.“

2 Ped. 2:20-22 “Sapagka’t kung, pagkatapos na sila’y makatakas sa mga pagkahawa sa sanglibutan sa pamamagitan ng pagkakilala sa Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo, ay muling mahalubiluhan at madaig niyaon, ay lalong sumasama ang huling kalagayan nila kay sa nang una … Nagbabalik na muli ang aso sa kaniyang sariling suka, at sa paglulubalob sa pusali ang babaing baboy na nahugasan.“

13) Ang mga nangagkakasala ay hindi makakita ni makakilala sa Dios

Mat. 5:8 “Mapapalad ang mga may malinis na puso: sapagka’t makikita nila ang Dios.“

Mat. 7:23 “At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.“

Heb. 12:14 “… pagpapakabanal na kung wala ito’y sinoman ay di makakakita sa Panginoon.“

1 Juan 1:6 “Kung sinasabi nating tayo’y may pakikisama sa kaniya at nagsisilakad tayo sa kadiliman, ay nangagbubulaan tayo, at hindi tayo nagsisigawa ng katotohanan“

1 Juan 2:4 “Ang nagsasabing, Nakikilala ko siya, at hindi tumutupad ng kaniyang mga utos, ay sinungaling, at ang katotohanan ay wala sa kaniya.“

1 Juan 3:6 “ Ang sinomang nananahan sa kaniya ay hindi nagkakasala; sinomang nagkakasala ay hindi nakakita sa kaniya, ni hindi man nakakilala sa kaniya.“

3 Juan 11 “… Ang gumagawa ng mabuti ay sa Dios: ang gumagawa ng masama ay hindi nakakita sa Dios.“

14)Ang sinomang umibig sa sanglibutan ay hindi pag-aari ng Dios

Efe. 2:2-3 “Na inyong nilakaran noong una ayon sa lakad ng sanglibutang ito … ginagawa ang mga pita ng laman at ng pagiisip, at tayo noo’y katutubong mga anak ng kagalitan …“

Sant. 1:2 “Ang dalisay na relihion at walang dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay ito, dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan.“

Sant. 4:4 “Kayong mga mangangalunya, hindi baga ninyo nalalaman na ang pakikipagkaibigan sa sanglibutan ay pakikipagaway sa Dios? Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios.“

1 Juan 2:15-16 “Huwag ninyong ibigin ang sanglibutan, ni ang mga bagay na nasa sanglibutan. Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama. Sapagka’t ang lahat na nangasa sanglibutan, ang masamang pita ng laman at ang masamang pita ng mga mata at ang kapalaluan sa buhay, ay hindi mula sa Ama, kundi sa sanglibutan.“

15) Hindi dinidinig ng Dios ang mga makasalanan

Awit 66:18 “Kung pinakundanganan ko ang kasamaan sa aking puso, hindi ako didinggin ng Panginoon“

Isa. 1:15-16 “At pagka inyong iginagawad ang inyong mga kamay, aking ikukubli ang aking mga mata sa inyo: oo, pagka kayo’y nagsisidalangin ng marami, hindi ko kayo didinggin: ang inyong mga kamay ay puno ng dugo. Mangaghugas kayo, mangaglinis kayo; alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawa sa harap ng aking mga mata; mangaglikat kayo ng paggawa ng kasamaan.“

Isa. 59:2 “Kundi pinapaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Dios, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpakubli ng kaniyang mukha sa inyo, upang siya’y huwag makinig.“

Juan 9:31 “Nalalaman naming hindi pinakikinggan ng Dios ang mga makasalanan: datapuwa’t kung ang sinomang tao’y maging mananamba sa Dios, at ginagawa ang kaniyang kalooban, siya’y pinakikinggan niya.“

1 Pet. 3:10-12 “Sapagka’t, Ang magnais umibig sa buhay, At makakita ng mabubuting araw, Ay magpigil ng kaniyang dila sa masama, At ang kaniyang mga labi ay huwag magsalita ng daya: At tumalikod siya sa masama, at gumawa ng mabuti; Hanapin ang kapayapaan, at kaniyang sundan. Sapagka’t ang mga mata ng Panginoon ay nasa mga matuwid, At ang kaniyang mga pakinig ay sa kanilang mga daing: Nguni’t ang mukha ng Panginoon ay laban sa mga nagsisigawa ng masama.“

16)Ang mga Cristiano ay di dapat makisama sa mga nagsasabing  ligtas ngunit  nagkakasala

1 Cor. 5:11 “Datapuwa’t sinusulatan ko nga kayo, na huwag kayong makisama sa kanino mang tinatawag na kapatid, kung siya’y mapakiapid, o masakim, o mananamba sa diosdiosan, o mapagtungayaw, o manglalasing, o manglulupig; sa gayo’y huwag man lamang kayong makisalo.“

2 Tes. 3:6 “Aming inuutos nga sa inyo, mga kapatid, sa pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayo’y magsihiwalay sa bawa’t kapatid na lumalakad ng walang kaayusan, at hindi ayon sa aral na tinanggap nila sa amin.“

Efe. 5:11 “At huwag kayong makibahagi sa mga walang mapapakinabang na gawa ng kadiliman, kundi bagkus inyong sawatain.“

1 Tim. 5:20 “Sila na mga nagkakasala ay paalalahanan mo sa harapan ng lahat upang ang iba nama’y mangatakot.“

2 Tim. 3:2-5 “Sapagka’t ang mga tao’y magiging maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa salapi, mayayabang … maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios; Na may anyo ng kabanalan, datapuwa’t tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito.“

2 Juan 9-10 “Ang sinomang nagpapatuloy at hindi nananahan sa aral ni Cristo, ay hindi kinaroroonan ng Dios … Kung sa inyo’y dumating ang sinoman, at hindi dala ang aral na ito, ay huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay, at huwag ninyo siyang batiin.“

17) Ang mga Cristiano ay lulamalakad sa Espiritu, hindi sa pita ng laman

Roma 8:1 “Ngayon nga’y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus.“

Roma 8:13 “Sapagka’t kung mangabuhay kayo ng ayon sa laman, ay mangamamatay kayo; datapuwa’t kung sa pamamagitan ng Espiritu ay pinapatay ninyo ang mga gawa ng laman, ay mangabubuhay kayo.“

Gal. 5:16 “Sinasabi ko nga, Magsilakad kayo ayon sa Espiritu, at hindi ninyo gagawin ang mga pita ng laman.“

Gal. 5:24 “At ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang mga masasamang pita at mga kahalayan nito.“

1 Ped. 2:11 “Mga minamahal, ipinamamanhik ko sa inyong tulad sa mga nangingibang bayan at nagsisipaglakbay, na kayo’y magsipagpigil sa mga masamang pita ng laman, na nakikipaglaban sa kaluluwa.“

2        Ped. 1:4 “… yamang nakatanan sa kabulukang nasa sanglibutan dahil sa masamang pita.“

18)Sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios, napapanatili ng mga Cristiano ang

kanilang mga sarili na walang dungis

2 Cor. 7:1 “Yamang taglay natin ang mga pangakong ito, mga minamahal, ay magsipaglinis tayo sa lahat ng karumihan ng laman at ng espiritu, na pakasakdalin ang kabanalan sa takot sa Dios.“

1 Tes. 5:22 “Layuan ninyo ang bawa’t anyo ng masama.“

2 Ped. 3:11 “Yamang ang lahat ng mga bagay na ito ay mapupugnaw ng ganito, ano ngang anyo ng mga pagkatao ang nararapat sa inyo sa banal na pamumuhay at pagkamaawain.“

2 Pe. 3:14 “… pagsikapan ninyong masumpungan kayo sa kapayapaan, na walang dungis at walang kapintasan sa paningin niya.“

1 Juan 3:3 “At sinomang mayroon ng pagasang ito sa kaniya ay naglilinis sa kaniyang sarili, gaya naman niyang malinis.“

1 Juan 5:18 “Nalalaman natin na ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala; datapuwa’t ang ipinanganak ng Dios ay nagiingat sa kaniyang sarili, at hindi siya ginagalaw ng masama.“

19)Ang sinomang gumagawa ng kasalanan ay sa diablo

Juan 8:41-44“Ginagawa ninyo ang mga gawa ng inyong ama … Kayo’y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin …“

Efe. 2:2 “Na inyong nilakaran noong una ayon sa lakad ng sanglibutang ito, ayon sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin …“

1 Juan 3:8 “Ang gumagawa ng kasalanan ay sa diablo; sapagka’t buhat pa nang pasimula ay nagkakasala ang diablo. Sa bagay na ito’y nahayag ang Anak ng Dios, upang iwasak ang mga gawa ng diablo.“

1 Juan 3:10 “Dito nahahayag ang mga anak ng Dios, at ang mga anak ng diablo: ang sinomang hindi gumagawa ng katuwiran ay hindi sa Dios, ni ang hindi umiibig sa kaniyang kapatid.“

20)Ang mga Cristiano ay sumusunod sa halimbawa ni Cristo

1 Ped. 1:15-16 “Nguni’t yamang banal ang sa inyo’y tumawag, ay mangagpakabanal naman kayo sa lahat ng paraan ng pamumuhay; Sapagka’t nasusulat, Kayo’y mangagpakabanal; sapagka’t ako’y banal.“

1 Ped. 2:21-22 “Sapagka’t sa ganitong bagay kayo’y tinawag: sapagka’t si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo’y iniwanan ng halimbawa, upang kayo’y mangagsisunod sa mga hakbang niya: Na siya’y hindi nagkasala, o kinasumpungan man ng daya ang kaniyang bibig.“

1 Juan 2:6 “Ang nagsasabing siya’y nananahan sa kaniya ay nararapat din namang lumakad na gaya ng inilakad niya.“

21) Ang banal na buhay  ay hindi nagbubunga ng masamang bunga

Mat. 7:17-18 “Gayon din naman ang bawa’t mabuting punong kahoy ay nagbubunga ng mabuti; datapuwa’t ang masamang punong kahoy ay nagbubunga ng masama. Hindi maaari na ang mabuting punong kahoy ay magbunga ng masama, at ang masamang punong kahoy ay magbunga ng mabuti.“

Lucas 6:43 “Sapagka’t walang mabuting punong kahoy na nagbubunga ng masama; at wala rin naman masamang punong kahoy na nagbubunga ng mabuti.“

Heb. 6:8 “Datapuwa’t kung namumunga ng mga tinik at dawag, ay itinatakuwil at malapit sa sumpa; at ang kaniyang kahihinatnan ay ang sunugin.“

22)Ang mga Cristiano ay may malinis na budhi

Gawa 23:1 “At si Pablo, na tumititig na mabuti sa Sanedrin, ay nagsabi, Mga kapatid na lalake, ako’y nabuhay sa harapan ng Dios sa buong kabutihan ng budhi hanggang sa mga araw na ito.“

Gawa 24:16 “Na dahil nga rito’y lagi rin akong nagsasanay upang magkaroon ng isang budhing walang kapaslangan sa Dios at sa mga tao.“

1 Tim. 1:5 “Nguni’t ang kinauuwian ng bilin ay ang pagibig na nagbubuhat sa malinis na puso at sa mabuting budhi at sa pananampalatayang hindi paimbabaw.“

23)Hindi  sa kung ano ang ating ikinukunwari, kundi kung ano ang ating       ipinamumuhay  ang mahalaga

Mat. 7:20“Kaya’t sa kanilang mga bunga ay mangakikilala ninyo sila.“

Luc. 6:46“At bakit tinatawag ninyo ako, Panginoon, Panginoon, at di ninyo ginagawa ang mga bagay na aking sinasabi?“

2 Tim. 3:5 “Na may anyo ng kabanalan, datapuwa’t tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito.“

Tito 1:16 “Sila’y nangagpapanggap na nakikilala nila ang Dios; nguni’t ikinakaila sa pamamagitan ng kanilang mga gawa …“

24)Ang mga makasalanan ay hindi makakapasok sa langit

Juan 8:21 “Muli ngang sinabi niya sa kanila, Yayaon ako, at ako’y inyong hahanapin, at mangamamatay kayo sa inyong kasalanan: sa aking paroroonan, ay hindi kayo mangakaparoroon.“

Apoc. 21:27“At hindi papasok doon sa anomang paraan ang anomang bagay na karumaldumal, o siyang gumagawa ng kasuklamsuklam at ng kasinungalingan …“

25)Ang saligan ng Dios ay ang paglayo sa lahat ng kasamaan

2 Tim. 2:19 “Gayon ma’y ang matibay na pinagsasaligan ng Dios ay nananatili na may tatak nito, Nakikilala ng Panginoon ang mga kaniya: at, Lumayo sa kalikuan ang bawa’t isa na sumasambitla ng pangalan ng Panginoon.“

26)Ang isang Cristiano ay bagong nilalang: ang dating makasalanang pamamaraan ay nagsilipas na

Ezk. 36:26-27 “Bibigyan ko rin naman kayo ng bagong puso, at lalagyan ko ang loob ninyo ng bagong diwa; at aking aalisin ang batong puso sa inyong katawan, at aking bibigyan kayo ng pusong laman. At aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin ko kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan, at inyong iingatan ang aking mga kahatulan, at isasagawa.“

2 Cor. 5:17 “Kaya’t kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya’y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila’y pawang naging mga bago.“

27)Ang kaligtasan ay may dalang kasakdalan ng puso na hindi matatamo sa ilalim ng Lumang Tipan

Mat. 5:48 “Kayo nga’y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal.“

Heb. 7:19 “Sapagka’t ang kautusan ay walang anomang pinasasakdal, at may pagpapasok ng isang pagasang lalong magaling …“

Heb. 10:14 “Sapagka’t sa pamamagitan ng isang paghahandog ay kaniyang pinasakdal magpakailan man ang mga pinapagiging-banal.“

28)Ang mga nagsisiibig sa Dios ay tumutupad sa Kaniyang mga utos

Juan 14:15 “Kung ako’y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos.“

Juan 14: 21 “Ang mayroon ng aking mga utos, at tinutupad ang mga yaon, ay siyang umiibig sa akin: at ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, at siya’y iibigin ko, at ako’y magpapakahayag sa kaniya.“

1 Juan 2:3-4 “At sa ganito’y nalalaman natin na siya’y ating nakikilala, kung tinutupad natin ang kaniyang mga utos. Ang nagsasabing, Nakikilala ko siya, at hindi tumutupad ng kaniyang mga utos, ay sinungaling, at ang katotohanan ay wala sa kaniya.“

29)Ang Dios ay hindi nagbibigay ng mga utos na impossibling sundin

Mat 5:48 “Kayo nga’y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal.“

Juan 8:11 “At sinabi niya, Wala sinoman, Panginoon. At sinabi ni Jesus, Ako man ay hindi rin hahatol sa iyo: humayo ka ng iyong lakad; mula ngayo’y huwag ka nang magkasala.“

1 Cor. 15:34 “Gumising kayo ng ayon sa katuwiran, at huwag mangagkasala …“

1 Juan 2:1 “Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo’y huwag mangagkasala …“

1 Juan 5:3 “Sapagka’t ito ang pagibig sa Dios, na ating tuparin ang kaniyang mga utos: at ang kaniyang mga utos ay hindi mabibigat.“

Ang Utos ni Maria sa Katoliko
Sa Evangelio ni Juan, ating nabasa ang pigingang nangyari sa Cana. Dito ay binigyang diin ni Maria ang kahalagahan ni Hesus na kanyang anak, at ang salitang kanyang sinabi.

Napag unawaan na ang alak ay ubos na, at s‘ya sa kanyang sarili ay wala s‘yang magagawa ni anomang bagay. Si Maria ay nagbigay utos sa mga utusan. Isa na kung saan dapat nating isa alang–alang. “Sinabi ng kaniyang ina sa mga utusan, Gawin ninyo ang anomang sa inyo‘y kaniyang sabihin.” Juan 2:5

Ito lamang ang nakatala sa Biblia na kung saan si Maria ay nagbigay utos, Kaya naman sa lahat na Romano Katoliko ay nagmamadaling sundin ang kanyang salita. “Gawin ninyo ang anomang sa inyo‘y kaniyang sabihin.”

Dahil sa layunin ng lahat ng mabuting Romano Katoliko, ay makarating sa langit. Ating tignan ang Biblia at isagawa kung ano ang sinabi ni Maria na gawin – tignan kung ano ang sinabi ni Hesus at gawin ito.

Sinabi ni Hesus … S‘ya lamang ang natatangi mong  tagapagligtas: “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko.” Juan 14:6

Hindi niya sinabi … Na magtiwala sa mga banal, Papa o kaya sa kanyang inang si Maria, upang makapagligtas sa‘yo. “At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan:  sapagka‘t walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.” Mga Gawa 4:12

Sinabi ni Hesus … Manampalataya sa Kanya, na s‘yang tanging makapagliligtas sa‘yo. “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan; nguni‘t ang hindi tumatalima sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Dios ay sumasa kaniya.” Juan 3:36

Hindi niya sinabi … Ang pinaka mainam na handog at mabuting gawa ay makakatulong sa‘yo. “Datapuwa‘t sa Kaniya na hindi gumagawa, nguni‘t sumasampalataya sa Kaniya na umaaring ganap sa masama, ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na katuwiran.” Roma 4:5

Sinabi ni Hesus … Ang salita ng Dios ang s‘yang may kapamahalaan na  ito‘y sundin. “Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya‘y hahatol sa huling araw.” Juan 12:48

Hindi nya sinabi … Ang kaugalian o ang mga utos ng tao ang s‘yang kanyang salita. “Datapuwa‘t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao.” “Na niwawalang kabuluhan ang salita ng Dios ng inyong sali‘t-saling sabi, na inyong itinuro: at nagsisigawa kayo ng iba pang maraming bagay na kawangis nito.” Marcos 7:7,13

Minamahal kong kaibigang Katoliko, ikaw ay pwedeng maligtas ngayon, at malaman mo na ikaw ay may buhay na walang hanggan, kung susundin mo ang Salita ng Dios at ibihis mo ang buong pananampalataya kay HesuKristo at tumigil sa pagtiwala sa iyong sarili. Ang iyong “iglesia”, sakramento o anomang bagay na makakaligtas o makakatulong sa pagliligtas sa‘yo. Si Hesus ang S‘yang manunubos.

“Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayo‘y mayroong buhay na walang hanggan, sa makatuwid ay sa inyong pananampalataya sa pangalan ng Anak ng Dios.” 1.Juan 5:13

Pipiliin mo bang maniwala sa sinabi ni Hesus? Naniniwala ka ba na kaya N‘yang gawin sa‘yo kung anu ang sinabi N‘ya? “Sapagka‘t, ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas.” Roma 10:13

Maaaring iniisip mo na kami ay anti-Katoliko? Kaibigan, mahal ka namin at ayaw naming mapunta ka sa impyerno pag namatay ka. Muli mong siyasatin ang iyong paniniwala. Magsalik-sik ka sa salita ng Dios o Biblia. Sino mang tumanggi sa sinabi ni HesuKristo ay anti-Kristo. “Ang hindi sumasa akin ay laban sa akin.” Mateo 12:30

Sino ang Magliligtas sa Akin?
“Datapuwa’t nakikita ko ang ibang kautusan sa aking mga sangkap na nakikipagbaka laban sa kautusan ng aking pagiisip, at dinadala akong bihag sa ilalim ng kautusan ng kasalanan na nasa aking mga sangkap. Abang tao ako! SINO ANG MAGLILIGTAS SA AKIN sa katawan nitong kamatayan?” Roma 7:23,24.

Sa Kapitulo 7 sa aklat ng Roma, si Apostol Pablo ay nagpahayag ng kanyang patotoo kung ano ang kanyang kalagayan habang siya’y nasa ilalim ng lumang kautusan  ni Moises at bago siya mabago sa pamamagitan ni Hesukristo. Siya ay nasa ilalim ng kapagyarihan ng kasalanan, sa kabila ng kanyang pagnanais na gumawa ng kabutihan at mga relihiyosong gawain.

O KASALANAN – isang kasumpa – sumpang mapaniil! Malaking suliranin ng sangkatauhan! Sinong makatatakas sa kanyang kakilakilabot na gapos? Wala bang makakalaya sa ganitong kalagayan ng buhay? Ang ganito bang pagkaalipin ay hindi na mawawasak? Si apostol Pablo ay nagpapaliwanang sa mga bumabasa sa pamamagitan ng nagsusumigaw na katanungan, “Sinong makapagliligtas sa akin?”. O gaano ang kanyang gaghibik upang mapalaya mula sa kasalanan! At dumating ang isang araw na maluwalhati, kanyang natagpuan ang Tagapagligtas sa daan patungong Damasco, at siya’y lumuhod at tumangis, “Ano ang dapat kong gawin upang maligtas?”

Mga minamahal na bumabasa, ang tunay na pagsisisi at pagpapakababa ang magdadala sa iyo sa paanan ni Hesukristo na siyang magbubukas ng pintuan patungo sa isang makapangyarihang kaligtasan. Pagkatapos ng karanasang ito, si Saulo, na dating relihiyosong makasalanan, ay lumakad sa isang bagong buhay, hindi upang maging isang “abang tao” na nasa kasalanan muli. “Sinomang pinalaya ng Anak ay tunay ngang malaya!”

Kalakip ang matagumpay na kagalakan, si apostol Pablo ay nagpatuloy na magpatotoo ng kanyang sinimulan sa Roma 7. Nasusulat sa Roma 8:1-2: “Ngayon nga’y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus. Sapagka’t ang kautusan ng Espiritu ng buhay na kay Cristo Jesus ay pinalaya ako sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan.” Sinong makapagliligtas sa akin? Gloria! Purihin ang Panginoong Hesus! O anong dakilang Tagapagligtas! “Ililigtas Niya ang Kanyang bayan mula sa kanilang mga kasalanan!”

“…Siya’y nahayag upang magalis ng mga kasalanan…Ang sinomang nananahan sa kaniya ay hindi nagkakasala…Mumunti kong mga anak, huwag kayong padaya kanino man…Ang gumagawa ng kasalanan ay sa diablo; sapagka’t buhat pa ng pasimula ay nagkakasala ang diablo. Sa bagay na ito’y nahayag ang Anak ng Dios, upang iwasak ang mga gawa ng diablo.” 1 Juan 3:5-8.

Walang alinlangan na natapos na ng ating Panginoong Hesus ang kanyang layunin sa kanyang pagparito. Kung sasabihin natin na hindi tayo makalalaya mula sa kasalanan ay tinatanggihan natin ang kapangyarihan ng ating Panginoong Hesukristo. Subalit, ang patotoo ng mga nagsasabing Cristiano ngayon ay sila’y pinaghaharian ng kasalanan at walang sinomang maaaring mabuhay ng walang kasalanan sa sanlibutang ito. Anong laking pag wawalang halaga sa kapangyarihan ng Anak ng Dios! Anong laking paninira sa kaluwalhatian ng Evangelio ng Panginoong Hesus! Anong karumaldumal na balita upang sabihin sa sadlak sa kasalanang sangkatauhan! Ito ba ang mabuting balita na magbibiay ng malaking kagalakan sa lahat ng mga tao na pati ang mga anghel ay magpupuri? HINDI!

Si Apostol Pablo ay gumamit ng salitang maligtas, “Sinong makapagliligtas sa akin?” Hindi niya sinabing, sinong magpapatawad sa akin, bagama’t kailangan din niya ang kapatawaran. Kanyang napagtanto na kailangan ng lunas upang makita ang kamalian ng kasalanan at bunutin ang ugat nito. O, ang kasalanan ay kinakailangang mapagtagumpayan. Kanyang natagpuan ang pagtatagumpay sa ating Panginoong Hesus lamang at magmula noon ay hindi na siya katulad ng dati. Ito’y inyong mababasa sa mga sulat ni Pablo. Siya’y alipin ng kasalanan bago magkamit ng kaligtasan at sa bandang huli ng kanyag buhay ay kanyang naipatotoo at naituro na kay Hesukristo tayo’y higit pa sa mapagtagumpay. Siya’y namuhay ng banal at matuwid at walang kapintasan … pinalaya mula sa kasalanan at kanyang sinabi, “Magpapatuloy pa ba tayo sa pagkakasala, upang ang biyaya ay makapanagana? Huwag nawang mangyari. Paano nga na tayo na mga patay sa kasalanan ay magpapatuloy pa riyan?”

Hindi ba’t nakakapagtaka na kung itinatanong ng Bibliya, “Magpapatuloy pa ba tayo sa pagkakasala?” at ang ipinagpipilitang sagot ng mga relihiyoso sa sanlibutang tio ay oo, dahil hindi maiiwasan, kahit na ang tugon ng Bibliya ay, “Huwag nawang mangyari!”. At kung sinasabi ng Bibliya na ang Cristiano ay patay na sa kasalanan, subalit karamihan ng mga nagsasabing sila’y Cristiano ay nabubuhay pa rito?

Mga minamahal naming kaluluwa huwag kayong maniwala sa kanila! “Sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi na nagkakasala.” Magagawa mo at kailangang maging malaya ka sa kasalanan upang makarating sa langit.

S. Mutch

Lahat ng ito ay Ginawa ko para sa iyo
AKO’Y (JESUS) PUMARITO … dahil sa iyong kasalanan.

„Gaya ng nasusulat, Walang matuwid, wala, wala kahit isa.“ Roma 3:10

„Sapagka’t ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios.“ Roma 3:23

„Tapat ang pasabi, at nararapat tanggapin ng lahat, na si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan.“ 1 Timateo 1:15a

AKO’Y (JESUS) NAMATAY … Upang bayaran ang iyong kasalanan.

„Nguni’t siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya’y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya; at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.“ Isaias 53:5

„Datapuwa’t ipinagtatagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo’y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin. Lubha pa nga ngayong inaaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo, ay mangaliligtas tayo sa galit ng Dios sa pamamagitan niya.“ Roma 5:8,9

„Na siyang kinaroroonan ng ating katubusan, na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan.“ Colosas 1:14

AKO’Y BUMANGON … Upang ikaw ay iligtas mula sa kasalanan at bigyan ka ng kapangyarihan na mamuhay ng isang buhay na banal.

„Dahil dito naman siya’y nakapagliligtas na lubos sa mga nagsisilapit sa Dios sa pamamagitan niya, palibhasa’y laging nabubuhay siya upang mamagitan sa kanila.“ Hebreo 7:25

„Ang sinomang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala“ 1 Juan 3:9

„Ang sinomang nananahan sa kaniya ay hindi nagkakasala; sinomang nagkakasala ay hindi nakakita sa kaniya, ni hindi man nakakilala sa kaniya.“ 1 Juan 3:6

IKAW AY KAILANGANG MAGSISI … na magkaroon ng malalim na pagdaramdam para sa iyong kasalanan at handang talikuran ang lahat na iyon. Aminin mong nagkasala ka at wala kang pweding magagawa upang iligtas ang iyong sarili at dahil dito ay kailangan mo si Jesucristo.

„Sinasabi ko sa inyo, Hindi: datapuwa’t, malibang kayo’y mangagsisi, ay mangamamatay kayong lahat sa gayon ding paraan.“ Lucas 13:3

„Lisanin ng masama ang kaniyang lakad, at ng liko ang kaniyang mga pagiisip; at manumbalik siya sa Panginoon, at kaaawaan niya siya; at sa aming Dios, sapagka’t siya’y magpapatawad ng sagana. Sapagka’t ang aking mga pagiisip ay hindi ninyo mga pagiisip, o ang inyo mang mga lakad ay aking mga lakad, sabi ng Panginoon.“ Isaias 55:7,8

„Na hindi dahil sa mga gawa sa katuwiran na ginawa nating sarili, kundi ayon sa kaniyang kaawaan ay kaniyang iniligtas tayo.“ Tito 3:5a

„Datapuwa’t sa kaniya na hindi gumagawa, nguni’t sumasampalataya sa kaniya na umaaring ganap sa masama, ang kaniyang pananampalataya ay ibibilang na katuwiran.“ Roma 4:5

KAILANGAN KANG MAGTIWALA … ilagak ng buo ang iyong pananampalataya kay Jesucristo upang iligtas ka.

„Sapagka’t gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.“ Juan 3:16

„Kundi, sa pagtingin niya sa pangako ng Dios, ay hindi nagalinlangan sa pamamagitan ng di pananampalataya, kundi lumakas ng lumakas sa pamamagitan ng pananampalataya, na niluluwalhati ang Dios; At lubos nanalig na ang Dios na nangako ay may kapangyarihang makagawa noon.“ Roma 4:20,21

„Sa pagpapakilala’y aking sinasabi, ng kaniyang katuwiran sa panahong kasalukuyan, upang siya’y maging ganap at tagaaring-ganap sa may pananampalataya kay Cristo.“ Roma 3:26

„Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo’y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo’y lilinisin sa lahat ng kalikuan.“ 1 Juan 1:9

ANO ANG IYONG PASIYA?

PIPILIIN KONG MAGTIWALA KAY JESUS BILANG AKING TAGAPAGLIGTAS.

„Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan.“ Juan 3:18a

„Sapagka’t ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas.“ Roma 10:10

„Sapagka’t, Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas.“ Roma 10:13

PIPILIIN KONG TANGGIHAN SI JESUS AT MANATILI SA AKING SARILING LAKAD.

„… Ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka’t hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Dios.“ Juan 3:18b

„At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy.“ Apocalipsis 20:15

„Paanong makatatanan tayo, kung ating pabayaan ang ganitong dakilang kaligtasan?“ Hebreo 2:3a

28 na Palatandaan ng Tunay na Iglesia
28 na Palatandaan ng Tunay na Iglesia

1. Siya ay itinayo sa pamamagitan ni JesuCristo. “Itatayo ko ang aking Iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.” Mat. 16:18

2. Ang kanyang tema ay pagibig (1.Jn 3:14; Mat. 5:44; 1.Cor 13:1-8, 13). “…Ang pagibig ay sa Dios; at ang bawat umiibig ay ipinanganak ng Dios…” 1.Jn 4:7

3. Siya ay tinatawag mula sa kasalanan sa pamamagitan ng evangelio (Rom. 1:16; 10:13; 2.Tes. 2:14). “Ngunit yamang banal ang sa inyo’y tumawag, ay mangagpakabanal naman kayo…” 1.Pedro 1:15

4. Ang Iglesia ay ang katawan ni Cristo; mayroon lamang isang tunay na Iglesia (1.Cor. 1:2; 12:27; Jn 10:16). “May isang katawan…” Ef. 4:4

a. Hindi siya nagkakabahabahagi (1.Cor 1:10, 13)

b. Siya ay mayroon isang kaisipan, paghatol at pananampalataya (Ef. 4:4-5, Judas 3)

c. Ang mga kabilang dito ay mayroong iisang puso at isang espiritu (Gawa 4:32)

d. Ang kanyang mga kapisanan o kongregasyon ay mayroong magkakaparehong panuntunan at paglilingkod (1.Cor. 4:17; 11:16; 14:33; Ef 4:11-13; Gawa 15:23, 28).

5. Ang mga kabilang sa katawan ni Cristo, ang Iglesia, ay mga banal, sapagkat Siya ay banal (1.Ped. 1:16; 1.Cor 1:2; Ef 1:1). “…tinawag na mangagbanal…” Rom 1:7.

6. Ang kanyang bayan ay ang iba’t ibang angkan, wika, mga tao, at bansa, kasama ang mga kabataang mananampalataya gayundin ang mga matatanda (Apoc. 7:9; Mat 19:14). “…sapaka’t ikaw ay pinatay, at binili mo sa Dios ng iyong  dugo ang mga tao sa bawat angkan, at wika, at bayan, at bansa.” Apoc. 5:9.

7. Ang kanyang bayan ay pantay-pantay at laging nalalaan na tawagin ng Dios sa anumang gawain o tungkulin, anumang lahi, kalagayan sa lipunan,nasyonalidad,kasarian. “Walang magiging Judio o Griego man, walang magiging alipin o malaya man, walang magiging lalake o babae man, sapaka‘t kayong lahat ay iisa kay Cristo Jesus.” Gal. 3:28.

8. Ang Panginoon ang siyang naglalagay ng kanyang miyembro sa katawan, tinatawag at inilalagay ayon sa kanyang minagaling (Gawa 13:2; 20:28; Ef. 4:8, 11). “Datapuwa’t ngayo’y inilagay ng Dios ang bawa’t isa sa mga sangkap ng katawan, ayon sa kaniyang minagaling.” 1.Cor 12:18.

9. Sa kanyang paglilingkod-mga apostol,mga propeta, mga evangelista, mga pastor at mga tagapagturo- ayon sa ikatitibay ng katawan at ng kapakanan na mayroong pasanin sa kaluluwa ng mga tao, binigyan ng kapangyarihan na magbuklod at magtiwalag, at magkaroon ng pamumuno sa mga anak ng Dios bilang kamanggagawa sa kanilang kagalakan (2.Cor 12:19; Heb. 13:17; 2.Cor 1:24). “Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit; at anomang iyong talian ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit.” Mat 16:19.

10. Kanyang pinapanatili at itinuturo ang palatuntunan ng bautismo ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng paglubog sa tubig (Jn. 3:23; Gawa 8:38); Ang pagputolputol ng tinapay o huling hapunan at paghugas ng mga paa. (1.Cor 11:23-26; Jn 13:14-15), at banal na halik (Rom. 16:16). “Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo…” Mat 28: 19-20

11. Siya ay naniniwala sa banal,na pagpapagaling ng ating pisikal na katawan (Mat. 8:16-17). “May sakit baga ang sinuman sa inyo? Ipatawag niya ang mga matanda sa iglesya; at ipanalangin nila siya, na pahiran nila ng langis sa pangalan ng Panginoon”. Santiago 5:14.

12. Siya ay nagpapatuloy sa aral ng mga apostol at mga propeta, pinanghahawakan ang banal na kasulatan, ang Biblia, na ito ay walang kamalian,kinasihan,at kumpletong banal na kapahayagan (Gawa 2:42; 2.Ped. 1:20-21; Judas 3).

13. Siya ay naniniwala sa banal na pagkakaisa ng Ama,Anak at Banal na Ispiritu, tatlong persona sa iisang Dios (Mat. 28:19; 2.Cor. 13:14; Ef 4:4-6). “Sapagkat mayroong tatlong nagpapatotoo na nangasulat sa langit, ang Ama, ang Salita, at ang Espiritu Santo at ang mga ito ay iisa.” 1.Jn 5:7

14. Kanyang itinuturo na ang sangkatauhan ay may likas na pagkasira mula sa pagkahulog ni Adan at ang katubusan sa pamamagitan ni Cristo at ang tawag ng kaligtasan ay para sa lahat ng sangkatauhan, “sino mang may ibig” (Rom. 5:15-19; Apoc 22:17). “Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya’y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito’y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka’t ang lahat ay nangagkasala.” Rom 5:12

15. Ang kanyang mga nangagbalik loob ay “nangagpatuloy sa kasakdalan” pagkatapos nilang matamo ang pang unang pagbabago ay tanggapin ang bautismo ng Espiritu Santo, dinadalisay ang kanilang mga puso sa likas ng pagkasira na minana kay Adan. (Heb. 6:1; 4:3; Gawa 15:8-9; Ef. 1:13; 2.Ped. 1:4). Ang katunayan ng bautismo ng Espiritu Santo ay ang banal na pamumuhay, ito ay hindi ng mga maling katuruan na sinasabi ng iba na nagsasalita, “ng mga wika” (1.Cor. 3:16-17; Ef. 5:9; 2.Tim. 2:22). “…Tunay na si Juan ay nagbautismo ng tubig; datapuwat kayo’y babautismuhan sa Espiritu Santo” Gawa 11:16.

16. Ang lahat ng kanyang ngagbalik loob ay tunay na mga bagong nilalang kay Cristo, pagkatapos na maipanganak na muli – Juan 3:3. (Dinala ng Ama sa pamamagitan ng Espiritu – Juan 6:44; 12:32; para magkaroon ng kalumbayan mula sa Dios sa pamamagitan ng evangelio – 2.Cor. 7:8-10; Gawa 2:37; pinatnubayan sa pagsisisi at pananampalataya – Rom. 2:4; 10:17; pagkatapos na maipahayag ang kasalanan sa Panginoon – 1.Juan 1:9; pagkatapos talikuran ang lahat ng mga kasalanan – Rom. 6:1, 2, 18; at tinawag sa pangalan ng Panginoon para sa kaligtasan – Gawa 2:21; Rom. 10:13; ang kanilang espiritu ay tumanggap ng patotoo mula sa kanyang Espiritu na sila ay mga anak ng Dios – Rom. 8:16; nagpasimula at nagpatuloy na maipanumbalik ang lahat ng bunga ng mga nagawang kasalanan – Lukas 19:8; Gawa 19:19; at lumakad sa lahat ng liwanag ng salita ng Dios at ng Espiritu – 2.Ped. 1:19; Gal. 5:16). “Kaya’t kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya’y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila’y pawang naging mga bago.” 2.Cor. 5:17.

17. Siya ay hiwalay mula sa espiritu ng sanlibutan sapagkataong loob, at mula sa bawat panlabas na kapahayagan,kasali ngunit hindi limitado sa kanyang mga kasayahan, sa pananamit, sa pagiging makabayan, at sa kanyang pagpapatuloy, at sa lahat ng mga kasalanan nito. Sa makatuwid, ang kanyang ginagamit na kasuotan ay sangayon sa kalooban ng Dios, payak at mahinhing panlabas na kasuotan mula sa isang maamo at mahinahong espiritu (1.Cor. 2:12; 1.Juan 5:19; 1.Ped. 3:3-4). “At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng iyong pagiisip…” Rom. 12:2.

18. Hindi siya nananakit(wala siyang sinasaktan na sinoman; hindi nakikisama sa ano mang paraang karnal na gawain ng militar) (Luk. 3:14; Juan 18:36; 2.Cor. 10:4). “…Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, gawan ninyo ng mabuti ang nanga popoot sa inyo … Sa sumampal sa iyo sa isang pisngi, iharap mo naman ang kabila…” Luk. 6:27-29.

19. Ang kanyang mga pagsamba ay pinangungunahan ng Banal na Espiritu sa bawat aspeto gayundin sa mga awitan(walang anumang  saliw ng instrumentong mekanikal o musikal) Ef. 5:19; Col. 3:16; gayundin kung sino man ang mananalangin,magpapatotoo, maghahamon, mangangaral; at gayundin kung ano ang mga aawitin, at ang pagkakasunod-sunod ng mga bagay na dapat gawin. (1.Cor. 12:4-7; 14:15, 40) “…sa pamamagitan ng tulong ng, bawa’t kasukasuan ayon sa paggawang nauukol sa bawa’t ibat ibang sangkap…” Ep. 4:16.

20. Siya ay tinawag sa mga huling araw na ito upang gawin ang paghatol ng Dios at mahayag sa lahat ng bansa, na tinatawag ang lahat na mga kaluluwa mula sa mga bulaang relihion at ng sanlibutan (Babilonia) tungo sa isang tunay na kawan. (Mat. 13:38-41; Mar. 16:15; Apoc. 18:1-4). “At nakita ko ang ibang tanda sa langit, dakila at kagilagilalas. Pitong anghel na may pitong salot, na siyang mga panghuli, sapagka’t sa mga yao’y magaganap ang kagalitan ng Dios.” Apoc. 15:1

21. Kanyang itinuturo na mayroong walang hanggang kaparusahan at walang hanggang gantimpala ayon sa kanyang mga ginawa sa katawan (Mat. 25:46; 2.Cor. 5:10).  “Narito, ako’y madaling pumaparito; at ang aking ganting-pala ay nasa akin, upang bigyan ng kagantihan ang bawa’t isa ayon sa kanyang gawa.” Apoc. 22:12

22. Kanyang ipinatutupad ang makatarungang paghatol sa kapulungan sa loob ng Iglesya (1.Cor. 5:4-5; 2.Tes. 3: 14-15).  “…Hindi baga kayo nagsisihatol sa nangasa loob? … Alisin nga ninyo sa inyo ang masamang  tao”.  1.Cor. 5:12-13.

23. Siya ay namumuhay na may pagpapakasakit alang alang kay Cristo at sa evangelio (Mat. 19:29; Lk. 14:33; Rom. 12:1).  “Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kanyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin…” Mar. 8:34-35.

24. Siya ay naniniwala sa kabanalan ng pagaasawa o kasal, isang lalake at isang babae habang buhay (Mat. 19:5-6; Lk.16:18; Rom. 7:2-3).  “Ang sinomang lalake na ihiwalay ang kanyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya laban sa unang asawa:  At kung ihiwalay ng babae ang kanyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala siya ng pangangalunya.” Mar. 10:11-12.

25. Ang kanyang bayan ang tunay na mga Judio, Judio sa panloob. Ang pisikal na bansa ng mga Judio ay hindi na, sa pangkalahatan, na maging bayan ng Dios (Gal. 4:25-31; 1.Tes. 2:14-16).  “Sapagkat siya’y hindi Judio kung sa labas lamang … datapuwa’t  siya’y Judio sa loob; at ang pagtutuli  ay yaong sa puso, sa Espiritu hindi sa titik…” Rom. 2:28-29

26. Siya ay nakatingin kay Cristo sa kanyang pagbabalik sa alapaap sa kanyang pangalawa at huling pagdating sa araw ng paghuhukom, na kung saan ay magkakaroon ng pagkabuhay na maguli ng mga matuwid at di matuwid.  (Wala ng “isang libong taon” na paghahari dito sa lupa, sapagkat ang mga banal ay nasa kaharian na ngayon.) At walang lihim na pag-agaw mula sa lupa bago ang araw na yun.langit at lupa ay mag lalaho na (Heb. 9:27-28; Juan 5:28-29; Gawa 24:15; 1.Cor. 15:52; 1.Tes. 4:15-17; 2.Ped. 3:7, 10-11). “Narito, siya’y pumaritong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa’t  mata, at ng nangagsiulos sa kanya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kanya…” Apoc. 1:7.

27. Kanyang itinuturo na posibleng ang banal ay mahulog mula sa biyaya, mawala ang kanyang kaligtasan (Gawa 1:25; 1.Cor. 10:12; Gal. 5:4). “Masdan mo nga ang kabutihan at ang kabagsikan ng Dios: ang kabagsikan ay sa nangahulog, datapuwa’t ang kabutihan ng Dios ay sa iyo, kung mamamalagi ka sa kanyang kabutihan:  sa ibang paraan ay ikaw man ay puputulin.” Rom. 11:22.

28. Siya ay ang Iglesia ng Dios (Gawa 20:28; 1.Cor. 10: 32; 15:9; 1.Tim. 3:5). “…sa Iglesia ng Dios na nasa Corinto, kalakip ng lahat ng mga banal na nasa buong Acaya” 2.Cor. 1:1

Gunitain mo ang Iyong mga Lakad
“Ngayon nga’y ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Gunitain ninyo ang inyong mga lakad.” Hagai 1:5

Ito ay isang pakiusap sa lahat ng mga tao. Nangangahulugan ito na dapat tayo’y huminto at isipin kung anong daan ang tinatahak ng ating buhay. Saan ba patutungo ang daan na aking nilalakaran? Ako ba ay pupunta sa langit? Ano ba ang huling hantungan ng aking mga lakad? Ang iyo bang buhay, na kung susuriin sa pamamagitan ng salita ng Dios, ay magbibigay sa iyo ng buhay na walang hanggan o sa ikapapahamak ng iyong kaluluwa sa impiyerno?

Mayroon lamang dalawang daan. Isang daan na papuntang langit. At ang isa ay daan papuntang impiyerno. Maaari mong  itanong, “Paano ko malalaman kung nasa tamang daan ako?” Masasabi mo ang mga bagay na ito kung ikaw ay namumuhay ng malaya na sa kasalanan. Kung hindi pa, ikaw ay nasa maling daan. Sinasabi ng Bibliya sa I Juan 3:8 “Na ang gumagawa ng kasalanan ay sa diablo…”

Maari mo ring maitanong, “Ano ang kasalanan?” Ipinaliwanag ng Bibliya na maigi sa Santiago 4:17 Mababasa natin, “Sa, nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti at hindi  ginagawa, itoy kasalanan sa kanya”. Sa paggawa ng kasalanan ito’y laban sa pakikipag-ugnayan kay Cristo at pagyurak sa kanyang kahabagan sa ilalim ng iyong mga paa.

Una muna nating gunitain ang lakad ng makasalanan. Ito’y isang paglakad na hindi kailanman magkaroon ng  kasiyahan. Hagai 1:6 ay mababasa ng ganito, “Kayo’y  nangaghasik ng marami, ngunit hindi kayo nagkaroon ng kahustuhan; kayo’y nagsisiinom ngunit hindi kayo nangapapatirang-uhaw; kayo’y nangananamit, ngunit walang mainit; at yaong kumikita ng mga pinag arawan ay kumikita ng mga pinag arawan upang ilagay sa supot na may butas”. Ganito ba ang iyong buhay? Sinubukan mo bang hanapin ang kasiyahan sa pagiging makasalanan? Hinding hindi kailanman. Ang kasalanan ay isang daan na mahirap lakaran. Hindi ka makapaglalakbay dito na taglay ang kagalakan. Maaring ito’y may pangako ng maraming bagay, subalit ito’y magbibigay lamang ng kakaonti. Lahat ng kanyang pangako ay hungkag. Ang kasiyahan ng paggawa ng kasalanan ay para sa isang panahon lamang (Heb. 11:25). Ang kasalanan ay hindi lamang makakasakit ng iyong damdamin dito sa panahong kasalukuyan,subalit ang kanyang huling hantungan ay walang hanggang pagdurusa na kung saan ito’y wala ng katapusan. Napakalaking panganib na ikaw ay lumakad dito kahit sa isang sandali lamang!

“Kayo’y magsipasok sa makipot na pintuan: sapagkat maluwag ang pintuan, at malapad ang daan, patungo sa pagkapahamak, at marami doo’y nagsisipasok”. Mat. 7:13. “Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, datapwa’t ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Paginoon natin” Roma 6:23.

Salamat sa Panginoon na hindi niya tayo iniwan na walang pag-asa! Mayroong ibang paraan. Ikaw ang pipili ng daan ng kabanalan. Sabi ng kanyang mga salita sa Mat. 7:14 na ito ang makipot na daan ngunit magdadala sa iyo sa walang hanggang buhay. Ang daan na ito ang magbibigay ng kakontintuhan sa iyong kaluluwa. Juan 4:14 Ang sabi, “Datapwa’t ang umiinom ng tubig nasa kanya’y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailanman; Ngunit ang tubig na sa kanyang aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan.”

Ikaw ba ay naghahanap para sa isang bagay na magbibigay sayo ng tunay na kasiyahan at kagalakan? Kung ikaw ay papasok sa makipot na pintuan, ay matatagpuan mo ang iyong hinahanap. Ito ang pinakamabuting daan. Ang gantimpalang ito  ay dakila. Kung iyong pipiliin ang daan na ito ay hinding hindi mo ito pagsisisihan.

Maari mong itanong, “Paano ako makapaparoon sa makipot na daan?” Gawa 3:19 kaya nga mangagsisi kayo at mangagbalik loob upang mangapawi ang inyong mga kasalanan. Isa 1:18 sinasabi, “Magsiparito kayo ngayon, at tayo’y magkatuwiranan, sabi  ng Panginoon bagaman ang inyong  mga kasalanan ay maging tila mapula … ay magiging parang balahibo ng tupa.” Ganito ang sinasabi sa Juan 3:7 kailangan ngang tayo’y maipanganak na muli.

Kailangan ang tunay na pagsisisi at magkaroon ng kalumbayan mula sa Dios. II Cor 7:10, “Sapagka’t ang kalumbayang mula sa Dios, ay gumagawa ng pagsisi sa ikaliligtas, na hindi ikalulungkot: datapwa’t ang kalumbayang ayon sa sanlibutan ay ikamamatay.” Ang kalumbayang mula sa Dios ang siyang gagawa upang mabago ang iyong buhay. Kung ikaw ay magsisi na may kalumbayang mula sa Dios, hindi kana magpapatuloy sa iyong kasalanan. Magiging maingat ka na sa iyong sarili. Ang kalumbayang mula sa sanlibutan ay gagawa patungo sa iyong kamatayan na dinadaya ang iyong kaluluwa sa isang kalagayan na maling kapahingahan at makadios na damdamin. I Juan 5:18 ganito ang sinabi, “Nalalaman natin na ang sinumang ipinanganak ng Dios ay hindi nagkakasala; datapuwa’t ang ipinanganak ng Dios ay nagiingat sa kanyang sarili, at hindi siya ginagalaw ng masama.”

Aling daan ba ang iyong pipiliin? Ibig mo bang manatili sa iyong kasalukuyang nilalakaran sa kabila ng pakiusap ng Espiritu ng Dios at maging isa kang pupunta sa walang hanggang pagdurusa? O isa ka sa mga naniniwala sa kaligtasan ng kaluluwa, at tanggapin ang kaloob ng buhay na walang hanggan kay Cristo Hesus?

Oh, kaluluwa, pakaingatan mo kung paano ka pipili! Ito’y isang napakahalagang kapasyahan na iyong gagawin. Pipiliin mo ba ang buhay? O ang kamatayan? Ito ay iyong pagpipili. Piliin mo si Cristo! Siya ang DAAN, ang katotohanan, at ang buhay.

Bill O’Shea

Sino Kami
Isang pagbati kaibigan. Ikaw ay maaaring magtaka kung sino kami. Hindi kami isang denominasyon. Kami ang Iglesia ng Dios na buhay, tulad ng ating mababasa sa Bagong Tipan.

Sa loob ng napakahabang panahon, ang relihiyosong sanglibutan ay nakikitang lumisan na sa apostolikong mensahe ng Iglesia ng Dios. Ang pangyayaring ito ay pinatututohanan sa pamamagitan ng pananaig ng kondisyon ng kamatayang ispirituwal at kawalan ng pandama, ang pagpapatangay sa anod ng kamunduhan, ang pagtanggi sa malalim na ispirituwalidad, ang pagkawala ng sigasig at sikap sa pangangaral ng ebanghelyo at ang patuloy na lumalagong pagsalig sa paniniwalang tradisyon, makataong-pamamahala, at ang karunungan na umalam ng doktrina. Hindi na pinapahintulutan ng Dios ang ganitong madilim na mga kalagayan. Siya ngayon ay nagpapadala ng Espiritung Banal na paggising. Ito ay ang banal na pagkilos ng Ispiritu, na itinalaga ng Dios at hinulaan sa Apocalipsis at iba pang mga kasulatan. Muling pinanunumbalik ng Dios ang Kanyang Iglesia at tinatawagan ang lahat ng Kanyang tunay na mga anak na lumabas sa bawat sektang kinabibilangan at pagkakabaha-bahagi pabalik sa iisang kawan.

Ito na ang oras para sa bawat isa na anak ng Dios na makinig at sumunod, sa kapuspusan, at ng mahahalagang salita ng Dios. Siya sa atin ay nananawagan upang maging isang Iglesia ng Dios sa apostolikong katuturan; hindi sa pangalan lamang, bagkus sa realidad at kapangyarihan. Hayaang ang mga kasulatan ang magsaayos ng mga bagay na ito. Ang Dios ay hindi babalik para sa nagapi, nagkakabaha-bahagi, kalikuang ispirituwal, at sa walang kapangyarihang iglesia. Siya ay paparito para sa isang maluwalhating Iglesia na walang dungis o kulubot o anumang gayong bagay (Efeso 5:27).

Sa panahong ito ng panunumbalik, kami ay nasisiyahan na ang apostolikong mensahe ng Iglesia ay minsan pang pinatunog na malinaw, sa kanyang kadalisayan at kapangyarihan, upang tipunin sa Dios ang Kanyang maluwalhating kasintahang babae na binili ng Kanyang dugo, ito ang Iglesia ng Dios. Kaya, kanya na ngayong inihahanda ang kanyang sarili para sa nalalapit na pagbabalik ng taga-pagligtas.

Kami ay masigasig na tatagpuin ang lahat ng mga umiibig sa katotohanan at iniibig rin naming marinig ito mula sa iyo!

“At ang Espiritu at ang kasintahang babae ay nagsasabi, Halika. At ang nakikinig ay magsabi, Halika. At ang nauuhaw, ay pumarito: ang may ibig ay kumuhang walang bayad ng tubig ng buhay.” Apocalipsis 22:17.

Upang Makaparoon Sa Langit…
…Kailangan Mong Maipanganak Na Muli

“Huwag kang magtaka sa aking sinasabi sa iyo, kinakailangan ngang kayo’y ipanganak na muli.” Juan 3:7.

Ang sanglibutan na kung saan tayo ay nananahan ay pasama ng pasama sa bawat araw na dumadaan. Ang banta ng terorismo ay palagiang nakikita sa lahat ng pangunahing balita. Ang mga kabataan ay pumapatay ng kanilang kamag-aral at kapwa kabataan. Ipinapalagay na ang pag gawa sa ika-bubuti ng iba ay tanda ng kahinaan. Ang pagpapalaglag ng sanggol sa mga klinika ay lalong tumitindi. Mga magulang na hindi kasal at mga anak na hindi nais maipanganak ay dumadami saan man. Matulin ang pagbagsak ng moralidad habang ang kawalan ng pagpapahalaga at kawalan ng malasakit ay kasalukuyang lumalala.

Sa ganitong kalagayan na ating kinakaharap, ang salita ni Hesus ay pinatutunog ng malakas at malinaw. “Huwag kang magtaka sa aking sinasabi sa iyo, kinakailangan ngang kayo’y maipanganak na muli.” Sa ibang kahulugan, huwag kang mabigla kung aking sasabihin sa iyo na ikaw ay kailangang ipanganak na muli. Makikita mo, walang anumang bagay na magkukulang sa kamangha-manghang biyaya ng Dios na pigilin ang pagbulusok ng kasalanan at ang epekto nito. Ang Dios ay nagnanais na wasakin ang kaharian ng kasalanan sa isang kaluluwa sa isang saglit. Kaya nga’t ang mga salita ng tagapagligtas ay tiyak. IKAW ay kailangang ipanganak na muli.

Si Hesus ay nagnanais na ikaw ay mapalaya sa pagkaalipin ng kasalanan at mabigyan ng bagong buhay ng kalayaan sa Kanya. Na Kanyang lubos na pinakananasa na ikaw ay maipanganak doon sa kaharian ng Dios at maging isang bagong nilalang. “Kaya’t kung ang sinoman ay na kay Kristo, siya’y bagong nilalang; ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito sila’y pawang naging mga bago.” 2 Corinto 5:17. Aking kaibigan, anuman ang mga kasalanan at mga paglabag na iyong nagawa laban sa Dios, ay magagawa Niya na ikaw ay linisin na gaya ng isang sanggol na walang muwang, kung iyo lamang Siyang hahanapin na may tunay na pagsisisi.

Mayroong kilalang paniniwala sa panahong ito na nananaig sa isipan ng marami. Ang paniniwala na ang lahat na kakailanganin upang mabigyang lugod ang Dios at upang makaparoon sa langit ay “maniwala sa Dios” “magsimba” at gawin lang ang magagawa ay sapat na. Nguni’t minamahal, ito ay isang kasinungalingan na pinalalaganap ng Diablo. Sa Juan 3:3 sabi ni Hesus, “Katotohanang, katotohanang, sinasabi ko sa iyo, maliban na ang tao’y maipanganak na muli ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios.” Kung ikaw ay naniniwala sa Dios, ay marapat na iyong sundin ang Kanyang mga sinasabi. Iyong kailangang tanggapin ang kapatawaran ng Dios sa iyong mga kasalanan at iwan ang lahat ng ito at mamuhay ng bagong buhay kay Hesus – isang banal na buhay, na hindi na gumagawa ng kasalanan.

Pakiusap iyong paka-isipin ang mga salitang ito ngayon. Ito’y inaalay sa pag-ibig, hindi ng paghatol. “Sapagkat hindi sinugo ng Dios ang Kanyang anak sa sanglibutan, upang hatulan ang sanglibutan, kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan Niya.” Juan 3:17. Ililigtas ni Hesus ang lahat na lumalapit sa Kanya na may katapatan, at ninanais Niya na ikaw ay iligtas mula sa kasalanan at sagipin sa pagkabulid sa impiyerno.

Pakiusap, siyasatin mo ang iyong kaluluwa ngayon. Kung hindi ka pa naligtas, tumawg ka sa pangalan ng Panginoon bago mahuli ang lahat sa walang hanggan. Ipahayag at iwan ang lahat ng kasalanan, at ikaw ay Kanyang ililigtas. Kailangan mong maipanganak na muli.

Dale Hayton